Monday, November 15, 2010

Ang “Active” At “Passive Income”

ANO ANG “ACTIVE” AT “PASSIVE INCOME”?
By Arlan Laroya


Sa mundo ng pananalapi ay may itinuturing na dalawang uri ng income–ang “Active” at “Passive”. Ang “Active Income” ay ang mga income na galing sa trabaho (sweldo), tips, kumisyon, “professional fees” at “talent fees” (Temporary Income) at ‘yon namang “Passive Income” ay ang mga income kahit tumigil ka na sa pagtatrabaho, maaaring nanggagaling ito sa tubo o kita ng iyong mga “investments” at mga “assets” gaya ng paupahang bahay, pension plans o SSS/GSIS/PAG-IBIG (Permanent Income). Dapat ay pareho kang meron n’yan para matustusan mo ang iyong pamumuhay. Dahil ang “active income” ang gagamitin mo para makapagpundar ka ng pagmumulan ng “passive income” mo pagdating ng araw. Sa isang banda ang “passive income” mo naman ang magbibigay ng saysay sa inyong “active income”. “Active Income where you work for money and Passive Income where money works for you.” – By Robert Kiyosaki

Hayaan ninyong magbigay ako ng ilang halimbawa: kung ikaw ay may “active income” na P100k bawat buwan pero wala ka namang pinupundar na matibay na “passive income” ‘pag dumating ang panahon na huminto ka na sa pagtatrabaho, wala na ring “active income” lahat ng nabili mo mula sa malaking “active income” ay unti-unti ring mauubos at kahit gusto mo pang magkaroon ng biglaang “passive income” hindi na rin ganon ka posible, dahil ang “passive income” ay binubuo sa mahabang panahon.

Hindi maikakaila na mas marami sa atin ang malaki ang ibinibigay na pag-asa at masyadong nakatingin sa “active income” parang dito na umiikot ang kanilang mundo. Parang laging nagmamadaling yumaman. Parang nasa laki ng pumapasok na pera ang kaginhawahang hinahanap. Kulang ang paningin o pagpapahalaga sa paghahanda ng “passive income” kasi sa tingin nila, parang aksaya lang ito nang panahon, masyadong mabagal, minsan ay parang pabigat pa kaya laging pinagpapaliban o hindi pinapansin. Hindi masyadong tinitingnan ang malaking pakinabang sa “passive income” na kung tutuusin nga madalas ay higit pang malaki ang maibibigay kumpara sa “active income”.

Nabanggit ko sa isang article ko na ang papa ko ay dating OFW (Seaman), malaki-laki rin ang “active income” n’ya noon. Nagtangka ring magpa-insure pero dahil nababagalan, at dala na rin ng mga gastusin isama mo na rin ang kakulangan sa malalim na pang-unawa sa tinatawag na “passive income” tumigil na ring maghulog bago pa mag-mature. Buti na lang kahit paano ay obligado siyang maghulog buwan-buwan sa SSS na itinuturing pa nga rin noon na malaking kabawasan sa mga panggastos, na kung pwede sana bawasan na lang ang hulog. Ngayon retired na ang papa ko, wala na siyang “active income” pero ang SSS na dating parang pabigat ang siya ngayong bumubuhay sa kanya. Sabi pa nga niya ngayon, “sana pala mas malaki ang ibinawas sa akin noon para mas malaki ang tinatanggap ko buwan-buwan ngayon.”

Ano ang kinalaman ng Shema sa usaping “active income” at “passive imcome”? Malaking malaki dahil ang “active at passive income” ay nakapaloob sa programa ng Shema.

Kapag ikaw ay bumili ng produkto ng Shema, ikaw ay nagiging MEMBER, BUSINESS PARTNER AT BENEFICIARY. Bilang member, isa sa maaari mong gawin maliban sa buwanang bumili ay ialok ang ating mga produkto sa iba, lalabas na ikaw ay endorser o ahente ng sarili nating mga produkto. Dahil doon ay may “active income” ka na rin. Mas maraming maniwala, mas maraming bibili, mas malaki ang iyong “rebates” o “commission”. Dahil buwan-buwan kang bumibili, ang P2,520 na iyong pinambili ay magsisilbing buwanang hulog mo na rin sa “mutual funds” na tumutubo ng malaki. Na paglipas ng 16 na buwan (hindi 16 na taon) ay magsisimula ka nang tumanggap ng pension. Kung nagagawa ‘yan ng ibang investment companies, SSS/GSIS/PAG-IBIG kaya ring gawin ‘yan ng Shema, kasi may puhunan, negosyo, produkto, mamimili, sistema, programa at mga matitinong tagapamahala–siempre ang Diyos na Siyang gumagabay sa Shema.

Bagaman sa ibang mga mutual funds nagagawa rin ‘yan pero hindi bababa sa 5 taon ang hihintayin mo bago makita ang tubo ng pera mo, sa SSS/GSIS/PAG-IBIG nga ‘pag nag-retire ka na bago mo pa lang mapapakinabangan ang mga inihulog mo. At higit na malaki ang pension na makukuha mo sa Shema at maliit ang puhunan kumpara sa anumang mutual funds na pwede mong pasukin. Sa mga traditional networking naman, malaki ang “active income” pero wala naman silang programa para sa “passive income”, kaya ‘pag wala nang ma-recruit wala na ring income.

Alalahanin mo ito, kahit gaano kalaki ang “active income” mo ngayon, pansamantala lang ‘yan! Simulan mo nang gamitin ‘yan habang nandiyan pa para magpundar ng pagmumulan ng iyong “passive income”!

No comments:

Post a Comment