Monday, November 15, 2010

Daily Actifiber del Shema

Ayon sa pag-aaral halos lahat ng karamdamang nakamamatay ay nagmumula sa maruming bituka o colon. At ang pagdumi ng ating bituka ay dahil sa mga chemical na ating nalalanghap tulad ng usok ng sigarilyo, usok ng mga sasakyan at insecticides. Nakukuha din natin ito sa ating mga kinakain gaya ng junk foods, instant foods o bad eating habits, minsan naman ay sa pag-inom ng mga gamot. Ang nakakalungkot, hindi lahat ng mga pumasok na dumi ay nailalabas lahat kaya ang mga ito ay naiimbak sa loob ng katawan hanggang mabulok at maglabas pa ng maraming bad bacteria at lason na sisira ng ating kalusugan.

Ang Daily Actifiber del Shema, ay ginawa upang ibalik ang bituka sa dati nitong kalinisan sa pamamagitan ng pagtatanggal ng iba’t-ibang dumi na pumasok sa ating mga katawan hanggang sa pinakamaliliit na bahagi.

Tinatanggal ng Daily Actifiber del Shema sa ating katawan ang mga heavy metals, food chemicals at pollution sa hangin na ating nalanghap, pinalalakas ng Daily Actifiber del Shema ang kakayahan ng katawan na natural nitong mailabas ang mga toxins na pumasok.

Ang paglilinis ay ginagawa ng Daily Actifiber del Shema sa pamamagitan ng mga aktibong sangkap gaya ng Psyllium Husk, Bentonite Clay, Black Walnut Hull, Oat bran, FlaxSeed, Prune Powder, Aloe Vera, Lactobacillus acidophilus, Apple Pectin at Glucomannan.

Ito ang mga pwedeng mangyari kapag regular tayong umiinom ng Daily Actifiber del Shema, aalisin nito ang mga dumi gawa ng mga nakain, nainom at nalanghap, pagtanggal ng heavy metals hanggang sa kaliit-liitang bahagi, pananatilihin na malusog ang ating digestive system, tutulungan ang katawan na mapakinabangan ang mga iniinom na bitamina, pipigilan ang mga nakalalasong chemical na makapanira sa ating katawan, maingat nitong pupuksain ang mga parasites at bacteria at ilalabas ang mga matagal nang naka-stock na dumi sa loob ng bituka.

Kapag ininom natin ang Daily Actifiber del Shema, hihigupin ng Bentonite Clay ang lahat ng lason sa loob ng ating bituka, gaya ng isang magnet, didikit lahat ng mga lason o basura ng bituka. Dahil ayon sa pag-aaral ang Bentonite Clay ay negatively charge particles at ang lahat ng lason o basura sa ating bituka ay positively charge particles, ayon sa basic science ang dalawang magkasalungat na poles ay nagdidikit. Kapag nakadikit na sa Bentonite Clay ang mga toxins, dito na magsisimulang itulak papalabas ng mga natural fibers sa Daily Actifiber del Shema ang Bentonite Clay na may mga nakadikit na toxins. ‘Wag din kayong mag-aalala dahil hindi magiging basa ang inyong dumi.

Ang Daily Actifiber del Shema ay dapat inumin habang wala pang laman ang tiyan pwede itong gawin isang oras bago o isang oras pagkatapos kumain o uminom ng bitamina o gamot.

No comments:

Post a Comment